kapi capistrano [ber. 10]

isyu : Tuesday, September 26, 2006, 11:23 p.m.

Technorati Profile

mga tugon sa haloscan []

isyu 134: Martes, ika-12 ng Setyembre 2006, 10:00 p.m.
Lipat-Bahay

Mga kapatid! Naglipat na po ako ng blog, sa: Kalawanging Kalamnan.

May salin sa ingles dito, kaso lang ang pangit lang ng "Rusty Flesh." Hehe. Isipan ninyo ako ng maayos na salin!

Sa mga tumangkilik sa "Mestisong Kape," "Langaw sa Isang Basong Gatas" at "Hinalukay at Winagwag..." maraming salamat.

mga tugon sa haloscan []

isyu 133: Miyerkules, ika-12 ng Hulyo 2006, 4:00 ng hapon
Pagbabago

Kabalintunaang ganito ang pamagat ng una kong entry pagkatapos ng matagal na panahon, sabay hindi ko pa nahanap ang kasipagan para gumawa ng bagong layout.

Lagi't laging may mahabang panahong hindi ko nagagawang sumulat dito (para bagang ginagawa ko itong obligasyon, no), at kapag naiisipan kong balikan muli ang blog na ito'y magpapaumanhin sa matagal na hindi pagsusulat. Siguro, ang pagbabago ngayo'y hindi ako magpapaumanhin.

Hindi ako magpapaumanhin sa mga pagbabagong mangyayari sa loob ng susunod na tatlo hanggang anim na buwan, at ang epekto nito sa mga kasalukuyan kong obligasyon.

May ilang mga pangyayaring naganap sa nakalipas na dalawa hanggang apat na buwan na nag-udyok sa aking suriin muli kung ano ba talaga ang balak kong gawin sa buhay na ito.Sa mga hindi nakabatid ng balita, na-ospital ako kamakailan lamang (mga apat na linggo na yata ang nakararaan) dahil nanumbalik ang aking ulcer.

Magugunita na noong Pebrero--pagkatapos ng paglawlaw ng aking ngalangala--sinulat ko sa blog na ito na "panahon na siguro upang mamili." Pinaalalahanan ako ng pagkaka-ospital na iyon na tupdin na ang pangakong iyon.

Napagpasyahan kong isalansan sa tatlong kategorya ang mga nais kong pagkaabalahan--propesyon, sining at negosyo--at tumutok sa isang gawain sa bawat kategoryang iyon. Sa paraang ito ng pag-oorganisa ng aking buhay, maitututok ko ang lakas ko sa iilang gawain lang, hindi tulad ng dati na kalat-kalat at wala akong natutupad.

Propesyon. Wala akong magagawa kundi pagtuunan ng pansin ang propesyonal na buhay, sapagkat ito ang, ika nga, ang aking tinapay-at-mantikilya. Ngayon, ang tanong ay kung nais ko bang manatili sa pamamahayag, kung panahon na ba upang sumubok ako ng ibang larangan o kung dapat na ba akong mag-aral muli?

Tatalakayin ko ito kapag natupad ko na ang aking pasya, na magaganap sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.

Sining. Sining ang nagbibigay sa akin ng katinuan sa buhay na ito na puno ng kabalintunaan, kaya hindi ko ito maaaring iwan. Ngunit malawak ang pakikisangkot ko sa larangang ito sa kasalukuyan, kaya kailangan kong pumili.

Napagpasyahan kong tumutok sa musika at magpahinga muna sa pagtula. Tutal, matagal nang panahong hindi ako nakasulat ng matinu-tinong berso (o kung meron man, sa mga renga lamang iyon). Tututukan ko ngayon ang Gapos--na nagsisimula na naman muli dahil sa mga pagbabago sa komposisyon nito--at ang bago naming proyekto, ang Tribeless Records.

Negosyo. Bago itong larangang nais kong subukan at tahakin, kasama ng pinakamamahal kong si PJ. Inaayos pa namin ang mga bagay-bagay at pineperpekto ang mga recipe ng binabalak naming negosyo ng cupcakes. Wala pa kaming matinong pangalan para sa negosyong ito, kaya abangan.

Bukod dito, ang Tribeless Records din naman ay isang negosyo, bagaman ako at ang mga ka-sosyo ko--sina Osh, Leo Nery, Jonar, Kaloy, Sammy, at Mic--ay hindi umaasang yumaman sa gawaing ito.

Abangan na lamang nating lahat ang mga pagbabago, at kung may magbabago nga ba talaga sa buhay na masalimuot--katulad ng kulot-kulot na salot na buhok--ni Francis "Kapi" Capistrano.

mga tugon sa haloscan []

KAPI. reporter sa umaga, rahkstar sa gabi, makata sa madaling-araw.

Francis Yerro Capistrano, lalaki, 23 taong-gulang, taga-lungsod Quezon. Nag-ugat sa Aklan at Camarines Norte, bagaman hindi marunong mag-Bisaya o Bikolano.

kontakin sa kapicapistrano@gmail.com

Mga Salarin:
pj
aaron
alex
anj
ate len
bolix
caloy conde
carlo
carl
chanchan
chris
cocoy
danny arao
denskie
ederic
egay
elbert
emskie
faj
iņigo
iris
javie
jeline
jilly
job
joel
jeeu
jomar
jonar
julian
jun l.
kakoi
kareeza
kramer
lawrence
leokay
maan
maita
makoy
mando
marcus
mic
mikael
mong
naya
nherz
nikko
nina lasala
noel
nunuy
osh
pael
pao
paul how
peachy
ria
roy a.
roy m.
rustum
sef
sigh
sonny
tish 1. 2
toni
trina
- tsarlz
waps
yol

Sinupan:
isyu 1-6 (dis02-ene03)
isyu 7-10 (peb-mar03)
isyu 11-14 (mar03)
isyu 15-17 (may-hul03)
isyu 18-22(set-dis03)
isyu 21-48 (hun-okt04)
isyu 49-53 (okt04)
isyu 54-75 (dis04-en05)
isyu 76-100 (en-mar05)
isyu 101-109 (hun-set05)
isyu110-126 (nob05-en06)
isyu127-132 (en-mar06)

Nagpapairal sa blog na ito:
pitas.com
haloscan
enetation
tagboard
village photos